Saturday, July 5, 2008

Kanlungan

ang dilim ang aking liwanag

at ang buwan ang aking araw

humihigop, ako'y nalulunod

sa limot ng pangako

tila isang islang nilamon ng karagatan...

ang dilim ang aking liwanag

at ang dapithapon ay bukang-liwayway

nagaanyaya, nangaakit

ng isang umagang

papawi sa hapdi ng gabi...

ang dilim ang aking liwanag

at dito ako'y nararapat

pagkat ang dilim ang aking kanlungan


pagkat sa dilim ay kung saan ang alaala mo'y naroon

ang iyong himig ang katahimikan

at ang tibok ng iyong puso ang siyang papawi

sa liwanag

sa liwanag kung saan ika'y wala na...

No comments: