Monday, June 23, 2008

Takipsilim

Kung ang langit
Sakbibi ng ulap, ulan at kidlat
Ang magiging saksi
Sa aking paghapis -

Pusong balatkayo
Alaala ng nakaraan
Ang siyang pananggalang

Sa ngayon
Pagkat ang buhay
Nanimdim, nawalay...

Ang langit ay tumigil at
nagpakaluhod sa lupa
Nagmakaawa sa putik
Na ako ay ibalik
sa iyong mga yakap

At ang ulan ay lumuha
at dumurog sa mga rosas sa hardin ni Eba
at unti unting umapaw
sa nagaalimpuyo kong puso

AIla'y nagmakaawa
Kaisa ng aking kaluluwa
Na ikaw ay magbalik

Ng ulan ay manatiling ulan
Na papawi sa aking hapdi
At ang pagibig manatiling dahilan
Sa pagpatak ng kanyang awa.

No comments: