Monday, July 20, 2009

Ako Naman

Ngayon ang unang araw nya sa eskwela. Bakas sa kanyang mukha ang magkahalong sabik at takot. “Kinakabahan ka ba? Okey lang yan. Ganyan din ako dati,” sambit kong may ngiti sa mga labi habang hawak ko ang kanyang kamay. Naalala ko nung unang araw ko sa kindergarten – gabi pa lang hinanda na ni Nanay ang uniporme ko, sapatos, bag at lahat ng kailangan ko sa eskwelahan. Araw-araw hanggang sa nakatapos ako ng hayskul, gumigising siya kasabay ko. Siya pa ang nagsusuot sa akin ng medyas at sapatos. Naiiyak ako ng di ko mawari. Ganito pala ang pakiramdam. Ako naman ngayon.

***
“Nanay, basahin natin ‘tong Sleeping Be... be...a...u...ti. Turuan mo na kasi kong mag-Ingles,” pangungulit ko sa aking inay. Masipag akong magaral noong ako’y bata pa pero ang pinakahilig ko ay magbasa – ng malakas! Iniiba-iba ko pa ang boses ko noon lalo na pag nagbabasa ako ng Funny komiks; nagboboses bata ako, boses matanda, boses robot, boses butiki.

“Si Tatay ang magtuturo sa iyong mag-Ingles,” sabay turo nya sa aking Tatay na agad namang kukuha ng libro at tatawagin ako. Hindi ko alam kung bakit ayaw na akong turuan ni Nanay samantalang siya ang nagturo sa akin ng abakada at pagbibilang. Siguro dahil masyado siyang abala sa pagluluto.

Hanggang sa makarating ako ng unang baitang. Medyo bihasa na kong mag-Ingles noon ngunit doon din nagsimulang dumalang ang pagtuturo sa kin ni Nanay. Ngunit lagi nya pa din akong pinapabasa ng libro at tuwing hapon ay parang Martial Law dahil bawal manood ng TV hangga’t hindi natatapos ang takdang-aralin. Nagbunga naman lahat ng iyon dahil lagi akong naguuwi ng medalya. Tuwang tuwa ako pag nakikita ko ang ngiti sa mukha ni Nanay, pagkatapos noon ay bibilhan niya ako ng hamburger o di kaya’y sosorpresahin ng bagong mga libro.

Nasa ikatlong baitang ako noon, mahigpit ang kompetisyon sa klase. Nakakatawa mang isipin ngayon, umiiyak ako kapag hindi ako nakakakuha ng kompletong marka sa mga pagsusulit. Naalala ko isang beses, magpapasa kami ng proyekto noon sa Hekasi, ngunit hindi ko natapos. Ayoko nang pumasok noon dahil wala akong ipapasa pero sabi ni Nanay ay tatapusin niya daw at ihahatid sa eskwelahan ng umaga ding iyon. Nagantay ako buong umaga, tingin ako ng tingin sa bintana. Hanggang sa sinabi ng guro namin, “Ipasa niyo na ang mga proyekto niyo. Ang tatlong pinakamaganda ay isasabit natin sa harap.” Pakiramdam ko noon ay maiihi ako sa salawal ko. Bakit hindi dumating si Nanay?

Nung umuwi ako ng hapon na iyon ay padabog kong sinara ang pinto at hinagis ang baunan ko sa lamesa. Binali ko din ang headband na binili ni Nanay sa inis ko. Hindi ko siya kinausap ng isang araw. Pero deadma lang siya. Hindi man lang nagsorry.

Nakapagtapos ako ng elementarya sa loob lamang ng limang taon at sa limang taon na iyon ay nagkaroon ako ng 18 medalya. Naging iskolar ako nung hayskul at sa awa ng Diyos ay nagtapos bilang valedictorian. Ang saya saya ko noon. Pakiramdam ko, ako ang pinakamatalino sa buong mundo. Paguwi namin ni Nanay ay sinorpresa nila ako ng engrandeng handaan. Andun ang lolo’t lola ko pati na din ang iba naming kamaganak.

“Ipakita mo sa kanila ang mga medalya mo,” panghihikayat ni Nanay.

Hinalungkat ko ang pinakamalaking aparador sa bahay kung saan nilalagay ni Nanay ang lahat ng mga importanteng kagamitan. Lagi niyang pinapaalala sa akin ang importansya ng edukasyon. Tinuturing niyang totoong ginto ang mga medalyang tanso lang naman talaga.

Palabas na sana ako ng mahagip ng aking mga mata ang isang kumpol ng mga papel na naninilaw at halatang luma na. Binuklat ko ito – ang aking proyekto sa Hekasi! Bakit nandito ito? Siguro nakalimutan ni Nanay na ihatid ito noon. Tinignan ko isa isa ang mga pahina at di ko napigilang humanga sa aking sulatkamay. Aba’y lagi pa nga akong pinupuri ng mga guro ko noon dahil napakahusay ko daw sumulat. Ngunit nakita ko ang mga sumunod na mga pahina... tila ba isinulat ng isang batang nagsisimula pa lamang magaral; naghalo ang mga malilit at malalaking letra at mali mali pa nga ang ibang mga salita. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Eto pala ang dahilan kung bakit hindi niya ibinigay sa akin.

Ang nanay ng pinakamatalinong bata sa buong mundo ay hindi pala marunong magsulat.

***

Kahit mahirap lang kami, nakapagtapos ako ng abogasya at ngayon ay isa na sa pinakamatagumpay na abogada sa lungsod. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga natutunan ko sa eskwelahan at higit sa lahat ang natutunan ko kay Nanay. Sinabi ko noon, darating ang araw na ako naman. At ngayon ang araw na iyon. Tuluyan na ngang dumaloy ang pinipigil kong mga luha habang pinagmamasdan si Nanay papasok sa kanyang klase.

Ako naman ngayon, Nanay.




Me, My Mom, Aunt and Ate

This is for my Mom- a story inspired by her. I hope someday she'd get to read it.


I have to say that my Dad couldn't have picked a better wife and my Dad's relatives couldn't hate her more. You see, my paternal Grandma's side was very matapobre. Naalala ko nung minsang naguwi ng babae ang pinsan ko sa ancestral house namin sa Pangasinan, hindi pa nakakaupo yung babae eh pinaalis na ng lola at mga tiyahin ko dahil mukha daw "golddigger at squatter". At least I have an idea kung kanino ako nagmana (sa panglalait lang ha).

Growing up, nakita ko kung pano maliitin ang nanay ko ng mga kamaganak namin dahil Grade 2 lang ang tinapos niya. Kasalanan ba niya kung maaga silang naulila at walang mga kamaganak na tumulong sa kanila? Ilang beses kong narinig na sinabihan siya ng "walang pinagaralan" kahit ng pinsan kong babae na kaedad ko lang. By the way, it only proves that education cannot buy class and good manners. Mahirap makita kung paano siya api-apihin habang wala ka namang magawa para ipagtanggol siya. Ano bang magagawa ko noon kundi tumahimik at pigilin ang pagiyak? Pero sinabi ko sa sarili ko, "P*tang ina niyong lahat makikita niyo balang araw..."

Now, me and my sister are having her home-schooled and I consider it one of my greatest achievements. Tuwang tuwa ako lalo na kapag sinasabihan ko siyang bawal manood ng Tayong Dalawa hangga't hindi tapos ang assignment niya. Hehehe... aba'y pagkakataon ko na ding gumanti.

Wednesday, July 8, 2009

Long Live the King! Long Live Love!

I never thought that I'd write a post for Michael Jackson. Not that I think he is un-postworthy, it's just that I know everyone's been writing about him the past few days and are very emotional about his death. I'm not a cold heartless bitch but I didn't think I could give Michael Jackson as much outpouring of emotions as other does. And I don't want to write about him just for the sake of writing about him. I don't write about anything unless I am utterly, greatly, moved.

I do consider him an ICON. Although I'm not that musically inclined, I tried to reach the higher notes of I'll Be There and You Are Not Alone as a kid. And I did, at one point in my life, try to imitate the moonwalk in vain. I mean, who didn't? I'm sure everyone tried to be a Michael Jackson at one point or another. And I'm not just talking about his creative talents.

As a kid, I idolized him and as an adult I tried to understand his actions. Everyone criticized what he's done to his physical appearance - lighter skin, thinner nose, deeper-set eyes and heaven knows what else. We all know it's a plastic surgery that went wrong but maybe (and my guess is just as good as yours) underneath all the facade is just a simple person trying to fit in a crowd - a kid trying so hard to please everyone. Just like me, just like you and just like everyone else.

I remember Michael Jackson, I remember "The Way You Make Me Feel" and I remember him changing the music industry and culture, as well. But what I won't forget, is him being a father (biological or not) who brought his daughter to great tears in his funeral.

At last I could say - I was utterly, greatly, moved.