Showing posts with label literatura. Show all posts
Showing posts with label literatura. Show all posts

Sunday, August 23, 2009

Up, Up and Away

I didn't want to watch Up at first, despite of the good reviews I've read about the movie. But after my friend promised that we will watch Time Traveler's Wife next Sunday, I finally agreed.

The movie tells the story of a quiet boy named Carl who meets a rather aggressive girl named Ellie. Together, they both dreamed of an elusive adventure that they always seemed to put off until Carl outlived Ellie (this is the hearbreaking part). Finally, he decided to chase their dream and found something more than he hoped for.

Up is as enchanting as it is inspring. It made me want to break out of my cynic shell and just take that first step to making my ultimate dream come true but at the same time, it taught me not to be afraid to make new dreams. It's definitely a must watch. The best movie from Pixar so far. And oh, I was deeply touched that I was inspired to make a poem. Warning: it's kinda cheesy.







Paradise Falls

You came like a dream
Vanished before I've seen
The wonders you brought to me
Went as quickly as a breeze

I hold on to what was left
I screamed 'til I'm out of breath
I closed my eyes and tried to pretend
That you'll hold me until the end
Though I know I have to let go...

I'll never be lost
As long as I follow my paradise falls
I'll chase wherever my heart goes
Until I arrive at paradise falls

I'll take that step away from you
I won't be scared to dream a dream or two
Like a bird that escaped from my grasp
I watch as you spread your wings at last...

Because I'll never be lost
As long as I follow my paradise falls
Oh, paradise falls
I'll see you at paradise falls...



Thursday, January 15, 2009

Sa Aking Paggising

Gumising ako ngayong araw na masama ang pakiramdam. Hindi dahil sa masakit yung likod ko. Hindi din dahil sa sobrang lamig ngayong mga araw na ito. Gumising ako pero sa isang banda, ayokong gumising. Naisip ko, isang araw na naman ang nagdaan - isang araw na walang kabuluhan.

Noong bata ako, nangarap akong maging abogado. Ngunit sa pagtanda ko, nakita ko na hindi lang pala ganun kasimple ang pagtupad sa mga pangarap - nagbabago ang mga plano, namamatay ang mga taong akala natin habang buhay nating makakasama, at madalas lumilipas ang oras ng hindi natin namamalayan. Hindi pala lahat ng tao na mabait sa 'tin ay talagang mabait at hindi lahat ng kaibigan ay magiging tapat. Nalaman ko na madalas tayong madadapa at hindi lahat ng sugat ay naghihilom. Minsan pwede mo ngang takpan ng bandaid pero hindi ibig sabihin ay basta na lang itong mawawala. Madalas, akala natin may kasama pa tayo pero hindi natin namamalayan, magisa na lang pala tayo at ang mga pangarap na binuo natin noon ay naglaho na sa ngayon.

Kaya nakontento na lang ako na makatapos ng kolehiyo at magpanggap na abogado habang nakikipagdebate sa mga kaibigan tungkol sa kasarian ni Piolo Pascual at kung tatangkad pa ba si GMA. Hindi na ko naniniwalang mabibilhan ko ng bahay at lupa ang nanay ko. Hindi ko din naman inasahan na sa pagtanda ko eh hindi na pala buo ang pamilya namin. Para ano pa? Hindi na din ako umaasang mapagtatapos ko ng kolehiyo and mga kapatid ko. Tingin ko naman, ayaw na din nilang magaral at mas bagay sa kanila ang maging gangster. At ang lalaking mahal ko, hindi na ko naniniwalang babalik siya, kaya ba't pa ako magaantay? Sayang lang ang makeup.

Pero ngayon, ang buhay ko isang malaking doughnut - butas sa gitna. Lahat ng ginagawa ko ngayon, wala ng saysay. Gumigising na lang ako dahil sa nagigising ako at hindi dahil may mga pangarap akong gustong tuparin, hindi dahil may mga tao akong gustong pasayahin at hindi dahil sa may kabuluhan ang buhay ko. Marahil aantayin ko na lang ang araw na hindi na ako gigising pa, at kung tatanungin ako ng Diyos kung sakali mang makakarating ako sa langit - "Anong ginawa mo sa buhay na pinagkaloob ko sa iyo?" Marahil ang isasagot ko lang ay isang malaking question mark.

Ngunit bakit ko nga ba hahayaang mangyari ito? Oo nga lahat ng bagay nagbabago pero may mga ibang bagay na hindi. Exactly my point, ano pa nga bang saysay ng buhay kung sasabay ka lang sa agos nito? Kailangan mong hanapin ang daang tatahakin mo, patuloy na mangarap para magkaroon ng inspirasyon at masaktan para matutong magmahal muli. Hindi tayo nabubuhay para maging robot lang at maging sunud-sunuran sa paniniwala ng ibang tao o sa dinidikta ng ating kultura o komunidad. Nabubuhay tayo para mangarap, magmahal at lumikha ng mga bagay na makubuluhan. At pag dumating ang araw na makaharap natin Siya may maisasagot tayo, "Madami akong nagawa sa buhay ko."

When life has meaning, you can bear almost anything. Without it, nothing is bearable.

Wednesday, September 24, 2008

Ang Suklay

Writer's note: Not everything in this story is true to life. Inspired lang po by real events and this happened back when I was in 3rd year college. Was it love? I realized now that it wasn't really. Almost. But not quite. Otherwise, I would have never let him go.



Lunes ng umaga. Hindi ako mapakali sa loob ng jeep. Parang may kulang. Meron ata akong naiwan. Chineck ko yung bag ko. Pang limang beses na nga ata e . Cellphone...check, wallet...check, id... check. Andito naman lahat. Ano nga ba yung kulang?

Ah baka psychological lang ito. Lately kasi ang dami kong iniisip; work, school, work, mga expenses, yung mga asungot sa bahay. Toot toot... may nagtext na naman sa akin. Sino kaya ito? Hay naku stalker na naman, makapagpalit na nga ng sim. Wala akong time para sa mga unidentified texters. But then again nagreply ako, "Wala na ko load eh. Pasaload mo muna ko."

Napakabusy ko ngayong week. Midterms namin eh. Sabagay hindi naman ako nagrereview pero magfeefeeling busy na din ako gaya ng mga classmates ko. Ano nga lang ba inaatupag ko? Internet, friendster at magreklamo araw-araw tungkol sa nakatambak kong labahan. Toot toot...Wow pasaload! Namputsa dos lang?!? Manigas ka hindi talaga ko magrereply sa iyo.

Late na naman ako ng 45 minutes. Di bale sanay na naman sila sa akin. And on the positive side, grand entrance na naman ang lola nyo. Haay... bad trip naman ang hangin hangin sa jeep. Nagulo na naman tuloy ang buhok ko. Makapag ayos nga muna sa cr. Lulubuslubusin ko na para 50 minutes na kong late.

Namputsa! Asan na yung suklay ko? Nilabas ko isa-isa ang mga gamit ko. Isang notebook, mga balat ng yema na binalot sa test paper ko sa advance math, make-up kit, wallet...asan na suklay ko???

"Miss pwedeng makahiram ng suklay? Nawawala kasi yung sa akin eh."

Buti na lang mabait yung katabi ko at makapal ang mukha ko. Nakahiram ako ng suklay. Asan na kaya yung suklay ko? Kainis ha, pang pito na ata yun na binili ko. San ko ba naiwan?

"Thank you miss ha. Eto na oh."

Sabi na nga ba may naiwan ako. Hindi lang pala yun pyschological. Instinct talaga iyon. Sabi na nga ba eh. At hindi naman pala talaga ko busy. In fact buong linggo akong nakatulala tuwing break.

"Hoy! Anong iniisip mo dyan? Nagbibilang ka ba ng butiki?"

"Ah, hindi noh. May iniisip kasi ako e. At ano namang palagay mo sa school natin cheap para magkaroon ng butiki sa kisame???"

"Kasi naman ang layo ng tingin mo. Ano bang problema?"

"Wala ok lang ako."

Ok lang ako...yun yung sinasagot ko sa sarili ko buong linggo. Hanggang sa umabot ang Friday morning. Badtrip pare! Imagine 5 days akong walang suklay. 5 days akong nanghihiram kung kani-kanino. Grabe talaga. Saan ko ba naiwan yun? Habang bumibili ako ng hotcake sa McDo ay iniisip ko pa rin ang aking beloved suklay. Ano ba yan 35 pesos na pala ang hotcake. Haay!

"Miss may syrup kayo?"

"Andun sa table oh."

"Ah ok."

Sa sobrang bad trip ko yung syrup na lang ang pinagtripan ko. Bakit kaya parang malabnaw? Pero sige pa rin ako sa paglagay.Hmmm... hotcakes! Sing sarap kaya ito ng luto ni Mama? Pwe! Ang asim! Bat ganun?

Ang tanga ko talaga. Suka pala yung nailagay ko. Badtrip talaga naman oh!

"Miss, di ba sabi mo yung syrup andun sa lamesa, eh suka yun e. Pwede ba itong palitan?"

Nagtawanan pa ang mga bwisit. Napalakas ata ang reklamo ko. Pinagtinginan tuloy ako.

Lumapit yung manager. "Eh ma'am obvious namang suka yun. Iba yung lalagyan ng syrup sa suka, iba yung kulay at mapapansin nyo naman yun - ang syrup malapot."

So ako pa ang lumabas na tanga tanga? “Ok fine! Pakitapon na lang yan."

Yun lang at tumalikod na ko. Nagbubulungan pa sila. "Tsk tsk para naman yung wala sa sarili."

Oo nga… feeling ko parang wala ako sa sarili ko. This week ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Lagi akong matamlay. Toot toot... Sino na naman ito? Hindi na naman nakaregister ang number!

"Kumusta ka na? Miss na kita ah. Yung suklay mo nga pala naiwan mo dito."

Napakunot ako...alam ko na. Oo nga pala! Doon ako huling nagpunta sa kanya at kaya pala hindi nakaregister ang number nya ay dahil sa binura ko na ang pangalan nya sa phonebook ko (at sana nga pati sa puso ko mabura na rin). Reply ako, "Ok, daanan ko na lang jan."

Eh bakit nga ba kailangang daanan ko pa? (toinks!) Eh kung bumili na lang ako ng bago? Ganun din naman, mamasahe pa ko.

Pero nung hapong din yun nagpunta ko sa kanya. Sinundo nya ko sa kanto. Parang walang nangyaring murahan at away. Humawak ako sa kamay nya.

"Kumusta ka na?"

"Eto bad hair day since Monday kasi naman nasa iyo pala yang suklay ko eh."

Tinitigan ko siya. Ang gwapo nya talaga. (kahit may mga pimples). Paano ko kaya siya makakalimutan? Isang ngiti lang nya nakakalimutan ko na yung mga atraso nya sa akin. Kahit sandali lang nakakalimutan kong pangalawa lang (lang ba?) ako sa buhay nya.

"Mahiga ka muna jan at magpahinga ka."

"Ayoko, papanoorin na lang kita jan sa ginagawa mo."

Lumapit siya sa akin. Hinawakan yung pisngi ko. Shettt! Tunaw na naman ako. Kung pwede lang sanang patigilin ang ikot ng mundo. Hinding hindi ako magsasawang tumingin sa mukha nya. Gusto kong kabisaduhin bawat linya at anggulo para naman pag naghiwalay kami... Hinalikan nya ko. Hmm... ang pinakamatamis na halik na aking natikman. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nya, basta pag siya, wala na ko sa katinuan.

"Hmm... tama na uuwi na ko."

"Ang aga aga pa eh. Ayaw mo na ba kong makasama?"

Kung alam mo lang kung gaano ko kasaya pag kasama kita hinding hindi mo yan sasabihin. Ikaw na nga lang ang nagpapasaya sa buhay ko eh pero ikaw lang din ang pwedeng magpaguho nito. Tuwing maghihiwalay tayo ang bigat ng hakbang ko. Laging may kulang pag wala ka. Kulang ako...

"Eh kasi may gagawin pa ko eh. Next time na lang."

Hinalikan ko sha (mabilis lang) at niyakap (yan ang matagal). Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal.

Hindi nya talaga alam yun at hindi nya nakita ang mga luhang unti unting pumatak.

"Magpapalit na nga pala ako ng number. Papasim swap ako. Itetext na lang kita ok?"

"Bat biglaan naman ata? Siguro hindi ka na magpapakita sa akin noh?"

"Bat naman hindi? Ikaw talaga kung ano ano ang naiisip mo. Basta magingat ka lagi ha. Yung mga pimples mo nga wag mong tinitiris nagmamarka tuloy."

"Wag mo na ngang pakialaman yan. Hayaan mo na... Mamimiss kita."

"Ako din...o siya sige aalis na ko."

Hinatid nya ko sa kanto. Bago ako sumakay ng jeep hinalikan ko uli siya.

"Sige magingat ka. Next week ha."

Pinagmasdan ko siya habang humahakbang siya palayo... bawat hakbang parang kutsilyong bumabaon sa puso ko. Hindi ko na matiis ang hindi mapaiyak. Ito na ata ang pinakamasakit na ginawa ko - ang iwan ang tanging lalaking minahal ko ng totoo. Mahirap pero ito lang ang dapat kong gawin. Minsan, may mga bagay pala na sadyang mas mahalaga kesa sa sarili natin, sa ating nararamdaman.

Ramdam ko ang pagdampi ng hangin (o mas bagay atang pollution) sa aking pisngi, dahan dahang humahalik sa aking buhok habang binabaybay ko ang kahabaan ng Espana. Tumigil na ang patak ng mga luha pero hindi ang kirot sa puso ko. Alam ko mahirap ang kalimutan siya pero...basta...

Tama na nga ang drama. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang suklay.

Ang suklay!

Naiwan ko na naman.

Napangiti ako.

Oo nga pala, this time hindi lang suklay ang naiwan ko... pati din pala ang aking puso.

Tuesday, August 19, 2008

Fuck/Love





Ooooohhh… oooooohhhh

Faster… Faster than the beat of my wild heart. His breath into my ear reminds me of all the moans and stifled cries of the men who passed into my life.

Aaaaahhh… ahhhhhhhhhh

Harder… he grips me harder. His one hand clasps my arms and the other squeezes my now swollen breast. He digs beyond my body and into my very soul. I almost choked with his grasp.

Each trace of his tongue in my body, each feel of his lips, each kiss brings tears to my heart. My body is on fire but my heart is numb.

His wholeness pierce at my flesh. I could feel his throbbing manhood sway to the rhythm of this ancient dance. Slower at first, carefully accelerating – pounding like a mad man, thrusting deeper beneath the surface, delving into my existence, triggering emotions I had shunned many times before.

He looks into my eyes and I see his soul soar up in the sky while I - remained on the ground.

He flowed into me and he remained. He flowed into my veins and poisoned my flesh, my blood, my body.

The aftermath of it all – a good f***. Void of emotion. Void of words. Just lust. Pure lust.

He took his clothes and walked away. Probably forever. Just as others have walked and closed the door. He treaded their footsteps and he too, did not see the tears nor did he feel the my pain. He, too would never know.

I don’t need a good f***.

I just need true love.

Saturday, July 5, 2008

Bilanggo

para kay kuya manuel na nagbigay inspirasyon sa talatang ito.

Paalis ako papauntang Baguio dala-dala ang maletang hiniram ko kay Allan na ang laman ay puro miniskirt at shorts (dahil naniniwala ako sa kasabihang pack light na ako din naman ang nagimbento). Nadaanan ko si Kuya Manuel umiinom dun sa kanto.

"Makikipagdate ka na naman," ang sabi niya.

"Hindi noh. Papasok ako sa opisina," palusot ko. Kahit na alam na ng buong baranggay sa min na tuluyan na kong nagretiro sa pagiging "kolgirl".

Bakit nga ba ako tinamad sa pagtratrabaho? Yun ang tinatanong ko sa aking sarili habang inaakyat namin ang ecotrail sa Camp John Hay. Rasyonal ba ang dahilan ko? Dahil lang sa batugan ako at ayaw ko ng magtrabaho? O marahil ayokong makulong sa isang mundong puno ng bawal kung saan bawat galaw at pindot mo sa telepono ay narerekord, bawat cr at lunch break ay inoorasan at bawat salita ay dapat naayon sa "call flow". Siguro nga.

Sabi nga nila masyado kong mahal ang aking kalayaan. At bakit hindi, ipinaglaban pa yan nila Rizal at Bonifacio at maging ng mga ninuno nating nawalan na ng mukha at pangalan. Hindi ba't nararapat lang na ipagpatuloy ang laban? Makibaka para sa kalayaan! (Patalsikin si Gloria!!!)

Subalit ngayon, pagkalipas ng labingsiyam na araw kong pagiging istambay, limang araw ng bakasyon sa Baguio, anim na oras pagkagaling sa Laguna at Tagaytay, apatnaputpitong minuto matapos kong malaman na patay na si Kuya Manuel ay napagmunimuni ko na ako'y nagkamali rin. Ang kalayaan hindi natatamo sa pagtalikod sa digmaan. Hindi rin nakukuha o naibabalik. Hindi dahil istambay ka ay malaya ka na. Hindi naman dun natatapos ang mga bawal sa mundo. Walang taong ipinanganak na malaya. Hindi pa nga tayo naisisilang bilanggo na tayo ng pangarap ng ating mga magulang. "Tong anak kong to, magiging boksingero to pag laki kagaya ni Manny at ibibili ako ng mansyon at magagarang auto." Bilanggo na tayo ng ating pangalan at apelyido, kasarian, bansa, relihiyon, kultura at kung anu-ano pang tanikala. Bilanggo na tayo bago pa man naging tao at marahil ang mundong ito ang ating Bilibid.

Kaya para sa iyo Kuya Manuel na madalas kong makita sa kanto, umiinom o minsan naman ay nagpapaypay ng barbeque - maswerte ka. Laya ka na.

Monday, June 23, 2008

STARGAZING

I used to love looking at the sky, counting the stars while my hand is clasped into yours. I would tell you my plans for us; I'd go abroad, find a decent job and save for our future. Then I would be your wife. I would take care of you and our children. I would spend each day of my life with you. Can you still remember what I used to tell you?

"I will always be here, always..."

Do you see that light?

No that's not a star. That's the light of the star that has long been extinguished. The star from which the light came from is gone but its light has continued to glow, to give light, to guide.

I am like that star.

You may think that I've left you and today you'll cry a river of tears. You'll mourn for me, be in denial of my death but time will come you'll find the strength to move on. And someday I might be forgotten. You will find a new love while my memory will slowly fade. I know one day, you'll look at the same sky. Your hand clasped into someone's. You would tell her your plans for the two of you. You will look at the sky without feeling pain for my loss. Instead you will be thankful.

Though I won't be able to share the future with you, yesterday is enough for me to carry on. A moment with you is all that I could ask for. And seeing you happy is enough consolation.

No, i dont dread the coming of that day, surely. For while you're looking at the sky, I will be looking down on you. And i will still whisper, "I will always be here, always..."