Thursday, January 15, 2009

Sa Aking Paggising

Gumising ako ngayong araw na masama ang pakiramdam. Hindi dahil sa masakit yung likod ko. Hindi din dahil sa sobrang lamig ngayong mga araw na ito. Gumising ako pero sa isang banda, ayokong gumising. Naisip ko, isang araw na naman ang nagdaan - isang araw na walang kabuluhan.

Noong bata ako, nangarap akong maging abogado. Ngunit sa pagtanda ko, nakita ko na hindi lang pala ganun kasimple ang pagtupad sa mga pangarap - nagbabago ang mga plano, namamatay ang mga taong akala natin habang buhay nating makakasama, at madalas lumilipas ang oras ng hindi natin namamalayan. Hindi pala lahat ng tao na mabait sa 'tin ay talagang mabait at hindi lahat ng kaibigan ay magiging tapat. Nalaman ko na madalas tayong madadapa at hindi lahat ng sugat ay naghihilom. Minsan pwede mo ngang takpan ng bandaid pero hindi ibig sabihin ay basta na lang itong mawawala. Madalas, akala natin may kasama pa tayo pero hindi natin namamalayan, magisa na lang pala tayo at ang mga pangarap na binuo natin noon ay naglaho na sa ngayon.

Kaya nakontento na lang ako na makatapos ng kolehiyo at magpanggap na abogado habang nakikipagdebate sa mga kaibigan tungkol sa kasarian ni Piolo Pascual at kung tatangkad pa ba si GMA. Hindi na ko naniniwalang mabibilhan ko ng bahay at lupa ang nanay ko. Hindi ko din naman inasahan na sa pagtanda ko eh hindi na pala buo ang pamilya namin. Para ano pa? Hindi na din ako umaasang mapagtatapos ko ng kolehiyo and mga kapatid ko. Tingin ko naman, ayaw na din nilang magaral at mas bagay sa kanila ang maging gangster. At ang lalaking mahal ko, hindi na ko naniniwalang babalik siya, kaya ba't pa ako magaantay? Sayang lang ang makeup.

Pero ngayon, ang buhay ko isang malaking doughnut - butas sa gitna. Lahat ng ginagawa ko ngayon, wala ng saysay. Gumigising na lang ako dahil sa nagigising ako at hindi dahil may mga pangarap akong gustong tuparin, hindi dahil may mga tao akong gustong pasayahin at hindi dahil sa may kabuluhan ang buhay ko. Marahil aantayin ko na lang ang araw na hindi na ako gigising pa, at kung tatanungin ako ng Diyos kung sakali mang makakarating ako sa langit - "Anong ginawa mo sa buhay na pinagkaloob ko sa iyo?" Marahil ang isasagot ko lang ay isang malaking question mark.

Ngunit bakit ko nga ba hahayaang mangyari ito? Oo nga lahat ng bagay nagbabago pero may mga ibang bagay na hindi. Exactly my point, ano pa nga bang saysay ng buhay kung sasabay ka lang sa agos nito? Kailangan mong hanapin ang daang tatahakin mo, patuloy na mangarap para magkaroon ng inspirasyon at masaktan para matutong magmahal muli. Hindi tayo nabubuhay para maging robot lang at maging sunud-sunuran sa paniniwala ng ibang tao o sa dinidikta ng ating kultura o komunidad. Nabubuhay tayo para mangarap, magmahal at lumikha ng mga bagay na makubuluhan. At pag dumating ang araw na makaharap natin Siya may maisasagot tayo, "Madami akong nagawa sa buhay ko."

When life has meaning, you can bear almost anything. Without it, nothing is bearable.

6 comments:

Mailap said...

sis.
musta na?
how's 2009?

Anonymous said...

at least gumising ka!

Ivan Rubio said...

Hi, just dropping by. You were referred to me by brenn

Hope you can support my sites.

Gamer Pinoy
Balitaktakan

Visit my blogs about life, technology, and my non-sense
Life's a journey
Coffee and Peanuts

Ivan Rubio said...

forgot to mentioned that I've already added you to my featured blogger.

Ivan Rubio said...

im tats agen.

Cheeseburger mo na lang yan.

Burger! Burger! Burger!

Burger Link

nEsHHy said...

this what exactly what i feel ryt now :<