Wednesday, September 24, 2008

Ang Suklay

Writer's note: Not everything in this story is true to life. Inspired lang po by real events and this happened back when I was in 3rd year college. Was it love? I realized now that it wasn't really. Almost. But not quite. Otherwise, I would have never let him go.



Lunes ng umaga. Hindi ako mapakali sa loob ng jeep. Parang may kulang. Meron ata akong naiwan. Chineck ko yung bag ko. Pang limang beses na nga ata e . Cellphone...check, wallet...check, id... check. Andito naman lahat. Ano nga ba yung kulang?

Ah baka psychological lang ito. Lately kasi ang dami kong iniisip; work, school, work, mga expenses, yung mga asungot sa bahay. Toot toot... may nagtext na naman sa akin. Sino kaya ito? Hay naku stalker na naman, makapagpalit na nga ng sim. Wala akong time para sa mga unidentified texters. But then again nagreply ako, "Wala na ko load eh. Pasaload mo muna ko."

Napakabusy ko ngayong week. Midterms namin eh. Sabagay hindi naman ako nagrereview pero magfeefeeling busy na din ako gaya ng mga classmates ko. Ano nga lang ba inaatupag ko? Internet, friendster at magreklamo araw-araw tungkol sa nakatambak kong labahan. Toot toot...Wow pasaload! Namputsa dos lang?!? Manigas ka hindi talaga ko magrereply sa iyo.

Late na naman ako ng 45 minutes. Di bale sanay na naman sila sa akin. And on the positive side, grand entrance na naman ang lola nyo. Haay... bad trip naman ang hangin hangin sa jeep. Nagulo na naman tuloy ang buhok ko. Makapag ayos nga muna sa cr. Lulubuslubusin ko na para 50 minutes na kong late.

Namputsa! Asan na yung suklay ko? Nilabas ko isa-isa ang mga gamit ko. Isang notebook, mga balat ng yema na binalot sa test paper ko sa advance math, make-up kit, wallet...asan na suklay ko???

"Miss pwedeng makahiram ng suklay? Nawawala kasi yung sa akin eh."

Buti na lang mabait yung katabi ko at makapal ang mukha ko. Nakahiram ako ng suklay. Asan na kaya yung suklay ko? Kainis ha, pang pito na ata yun na binili ko. San ko ba naiwan?

"Thank you miss ha. Eto na oh."

Sabi na nga ba may naiwan ako. Hindi lang pala yun pyschological. Instinct talaga iyon. Sabi na nga ba eh. At hindi naman pala talaga ko busy. In fact buong linggo akong nakatulala tuwing break.

"Hoy! Anong iniisip mo dyan? Nagbibilang ka ba ng butiki?"

"Ah, hindi noh. May iniisip kasi ako e. At ano namang palagay mo sa school natin cheap para magkaroon ng butiki sa kisame???"

"Kasi naman ang layo ng tingin mo. Ano bang problema?"

"Wala ok lang ako."

Ok lang ako...yun yung sinasagot ko sa sarili ko buong linggo. Hanggang sa umabot ang Friday morning. Badtrip pare! Imagine 5 days akong walang suklay. 5 days akong nanghihiram kung kani-kanino. Grabe talaga. Saan ko ba naiwan yun? Habang bumibili ako ng hotcake sa McDo ay iniisip ko pa rin ang aking beloved suklay. Ano ba yan 35 pesos na pala ang hotcake. Haay!

"Miss may syrup kayo?"

"Andun sa table oh."

"Ah ok."

Sa sobrang bad trip ko yung syrup na lang ang pinagtripan ko. Bakit kaya parang malabnaw? Pero sige pa rin ako sa paglagay.Hmmm... hotcakes! Sing sarap kaya ito ng luto ni Mama? Pwe! Ang asim! Bat ganun?

Ang tanga ko talaga. Suka pala yung nailagay ko. Badtrip talaga naman oh!

"Miss, di ba sabi mo yung syrup andun sa lamesa, eh suka yun e. Pwede ba itong palitan?"

Nagtawanan pa ang mga bwisit. Napalakas ata ang reklamo ko. Pinagtinginan tuloy ako.

Lumapit yung manager. "Eh ma'am obvious namang suka yun. Iba yung lalagyan ng syrup sa suka, iba yung kulay at mapapansin nyo naman yun - ang syrup malapot."

So ako pa ang lumabas na tanga tanga? “Ok fine! Pakitapon na lang yan."

Yun lang at tumalikod na ko. Nagbubulungan pa sila. "Tsk tsk para naman yung wala sa sarili."

Oo nga… feeling ko parang wala ako sa sarili ko. This week ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Lagi akong matamlay. Toot toot... Sino na naman ito? Hindi na naman nakaregister ang number!

"Kumusta ka na? Miss na kita ah. Yung suklay mo nga pala naiwan mo dito."

Napakunot ako...alam ko na. Oo nga pala! Doon ako huling nagpunta sa kanya at kaya pala hindi nakaregister ang number nya ay dahil sa binura ko na ang pangalan nya sa phonebook ko (at sana nga pati sa puso ko mabura na rin). Reply ako, "Ok, daanan ko na lang jan."

Eh bakit nga ba kailangang daanan ko pa? (toinks!) Eh kung bumili na lang ako ng bago? Ganun din naman, mamasahe pa ko.

Pero nung hapong din yun nagpunta ko sa kanya. Sinundo nya ko sa kanto. Parang walang nangyaring murahan at away. Humawak ako sa kamay nya.

"Kumusta ka na?"

"Eto bad hair day since Monday kasi naman nasa iyo pala yang suklay ko eh."

Tinitigan ko siya. Ang gwapo nya talaga. (kahit may mga pimples). Paano ko kaya siya makakalimutan? Isang ngiti lang nya nakakalimutan ko na yung mga atraso nya sa akin. Kahit sandali lang nakakalimutan kong pangalawa lang (lang ba?) ako sa buhay nya.

"Mahiga ka muna jan at magpahinga ka."

"Ayoko, papanoorin na lang kita jan sa ginagawa mo."

Lumapit siya sa akin. Hinawakan yung pisngi ko. Shettt! Tunaw na naman ako. Kung pwede lang sanang patigilin ang ikot ng mundo. Hinding hindi ako magsasawang tumingin sa mukha nya. Gusto kong kabisaduhin bawat linya at anggulo para naman pag naghiwalay kami... Hinalikan nya ko. Hmm... ang pinakamatamis na halik na aking natikman. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto nya, basta pag siya, wala na ko sa katinuan.

"Hmm... tama na uuwi na ko."

"Ang aga aga pa eh. Ayaw mo na ba kong makasama?"

Kung alam mo lang kung gaano ko kasaya pag kasama kita hinding hindi mo yan sasabihin. Ikaw na nga lang ang nagpapasaya sa buhay ko eh pero ikaw lang din ang pwedeng magpaguho nito. Tuwing maghihiwalay tayo ang bigat ng hakbang ko. Laging may kulang pag wala ka. Kulang ako...

"Eh kasi may gagawin pa ko eh. Next time na lang."

Hinalikan ko sha (mabilis lang) at niyakap (yan ang matagal). Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal.

Hindi nya talaga alam yun at hindi nya nakita ang mga luhang unti unting pumatak.

"Magpapalit na nga pala ako ng number. Papasim swap ako. Itetext na lang kita ok?"

"Bat biglaan naman ata? Siguro hindi ka na magpapakita sa akin noh?"

"Bat naman hindi? Ikaw talaga kung ano ano ang naiisip mo. Basta magingat ka lagi ha. Yung mga pimples mo nga wag mong tinitiris nagmamarka tuloy."

"Wag mo na ngang pakialaman yan. Hayaan mo na... Mamimiss kita."

"Ako din...o siya sige aalis na ko."

Hinatid nya ko sa kanto. Bago ako sumakay ng jeep hinalikan ko uli siya.

"Sige magingat ka. Next week ha."

Pinagmasdan ko siya habang humahakbang siya palayo... bawat hakbang parang kutsilyong bumabaon sa puso ko. Hindi ko na matiis ang hindi mapaiyak. Ito na ata ang pinakamasakit na ginawa ko - ang iwan ang tanging lalaking minahal ko ng totoo. Mahirap pero ito lang ang dapat kong gawin. Minsan, may mga bagay pala na sadyang mas mahalaga kesa sa sarili natin, sa ating nararamdaman.

Ramdam ko ang pagdampi ng hangin (o mas bagay atang pollution) sa aking pisngi, dahan dahang humahalik sa aking buhok habang binabaybay ko ang kahabaan ng Espana. Tumigil na ang patak ng mga luha pero hindi ang kirot sa puso ko. Alam ko mahirap ang kalimutan siya pero...basta...

Tama na nga ang drama. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang suklay.

Ang suklay!

Naiwan ko na naman.

Napangiti ako.

Oo nga pala, this time hindi lang suklay ang naiwan ko... pati din pala ang aking puso.

5 comments:

_ice_ said...

sad naman.. ate alam mo bakit ndi mo sabihin sa kanya na mahal na mahal mo sya kaysa naman bandang huli magsisisi ka.. pinapakita na nga ng tao na mahal ka nya.

seize the moment ate..

nga pala malapit lng me sa espanya hahahah

ingat you lagi..

basta.. kung ano nasa puso mo sundin mo

Mailap said...

mare, sad naman ng entry :(
ramdam ko yung bigat ng emotions na dinadala mo.
hirap talaga pag complicated situations pagdating sa lovelife..
hay.
basta remember, always stay pretty ok.

^_^

Rio said...

hi! napadaan po...
ang cute naman nng story mo..napatawa mo ako dun sa mc do story mo at the same time napalungkot sa suklay story mo...sana sinabi mo sa kanya kung anong feeling ang meron ka para alam pa din nya ang nararamdaman mo para sa kanya.parang ang hirap kasing magtago ng totoong feelings para sa isang tao..

things&thongs said...

Actually mejo exagg lang yung story. Nainspire lang akong gumawa nito at college days pa nga ito nangyari. Nalaman ko kasi nun na may baby na pala siya and he was married. Pero hiwalay na sila.

At divorced na sila ngayon.

Pero hindi na kami nagkita uli. Nagmessage lang siya sa friendster para ipaalam na divorced na siya. Ummm... Care ko naman d ba. Hehe.

nahj12 said...

kakasad nga.. pero.. sometimes.. letting go is the best option.. lalo na.. kung pangalwa ka.. waaaa..